Isa ang Aoshima sa mga pamosong isla sa Japan. Tinagurian itong Cat Island dahil sa rami ng mga pusang nakatira rito. Para sa mga taong mahihilig sa pusa, isa itong paraiso.
Nag-umpisang sumikat ang nasabing isla dahil sa mga nakapunta na rito, ipino-post nila ito sa social media at ginagawan ng blog, o ‘di kaya naman ay nababasa nila sa diyaryo, kaya naman lalo itong pinag-uusapan.
Taong 1942, mahigit 889 ang sinasabing bilang ng mga nakatira sa Aoshima, 15 katao at halos isandaang pusa.
Noong kasagsagan ng World War II, maraming tao ang tumakas mula sa main land ng Japan at nagpunta sa isla. Ang naitalang populasyon naman noong taong 1960 ay 655. Pero dahil sa kakulangan ng kabuhayan at pagkakakitaan, marami rin ang umalis. Taong 1976, ang nag-iisang eskuwelahan ay nagsara na rin.
Taong 2000 nang mas dumami na ang populasyon ng mga pusa kesa sa mga tao na umabot na lang sa bilang na 50.
Ngayon, 15 katao na lamang ulit ang makikitang nakatira sa Aoshima, apat na mangingisda at ang iba ay mga matatanda na.
Walang kotse sa nasabing isla, wala ring bike, kaya naman malayang nabubuhay ng tahimik ang mga pusa rito na nakatira sa mga abandonadong bahay.
Itinuturing na lucky charm ang mga nasabing pusa, pinatayuan pa nga ang mga ito ng sariling cat shrine.