Gf na breadwinner ng pamilya ‘di puwedeng pakasal

Dear Vanezza,

Breadwinner ang GF ko ng pamilya niya. Nakikusap ang nanay niya kung puwedeng ipagpaliban muna namin ang aming kasal hangga’t makatapos ang mga kapatid niya. Limang taon pa ang bubunuin namin samantalang baka mahirapan nang magkaanak ang misis ko nun. Ano po ang dapat naming gawin? - Gil

Dear Gil,

Kung masisigurado sa magulang na maipagpapatuloy pa rin ang pag-aaral ng kapatid niya kahit kasal na kayo ay mas maganda. Takot lang na maapektuhan financially ang pamilya niya. Pero kung magtutulungan kayo sa pagsuporta siguro ay papayag ang magulang niya na makasal kayo.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

Show comments