Totoo nga ba ang aphrodisiac o ang pagkain na sinasabing nakapagpapagana sa sexual desire ng isang tao?
Narito ang top 3 pagkain na sinasabing may dalang ‘pampagana’.
Sili – Sinasabing symbol of love ang sili dahil sa kulay nito. Sinasabing natural aphrodisiac din ito.
Ganun pa man, mayroon din paliwanag ang science rito.
Ini-stimulate ng sili ang endorphins (ang feel-good chemicals ng ating utak), pinabibilis ang tibok ng ating puso, na siya ring pakiramdam kapag ikaw ay ‘aroused’.
Avocado – Sagana ang prutas na ito sa vitamin E. Sinasabing nagkaroon ng aphrodisiac reputation dahil sa creamy nitong lasa
Tsokolate – Dahil sa masarap, matamis, at aroma nito, sinasabing nakapagpo-produce ang ating katawan ng dopamine dahil sa pagkain ng dark chocolate. Ang dopamine ang siyang responsable sa ating katawan para makaramdam ng ‘pleasure’.