Naiinip na ligawan ni crush

Dear Vanezza,

Mayroon akong type na lalaki. Magbarkada kami na madalas ko siyang makaharutan. Tingin ng mga grupo namin ay may gusto rin siya sa akin. Siya lang ang la­laking pinapangarap ko. Naiinip na akong magtapat siya sa akin. Kaso, lilipat na siya ng bahay ay wala pa ring nangyayari sa aming dalawa. Dapat pa rin ba akong maghintay sa kanya? - Gellyn

Dear Lonely Gellyn,

Mahirap umasa lalo’t hindi mo alam kung pareho ba kayo ng nararamdaman. Maaaring ine-enjoy niya lang ang company mo. Huwag mag-assume. Hayaan mo lang na kusang madebelop ang feelings niya sa’yo.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments