Ritwal sa mga Lasenggo

Kailangan—red ballpen, batong amethyst, basyong bote ng alak na ginamit ng iyong asawa, posporo, violet na kandila

Paraan:

1--Isulat sa malinis at puting papel ang pangalan at apelyido ng kapamil­yang lasenggo.

2--Ibulong na huminto nawa ang pag-inom ng alak ni (pangalan ng la­seng­go). Sindihan ang kandila.

3--Sunugin ang papel na pinagsulatan ng panga­lan.

4--Bago tuluyang masunog ang papel, isilid ito kaagad sa bote.

5--Ipatong sa bunganga ng bote ang amethyst. Be sure na mas malaki ang size ng amethyst sa bunganga ng bote ng alak upang hindi mahulog sa loob.

6--Iwanan sa altar ang boteng may nakapatong na amethyst.

7--Pagkatapos ng 30 minuto, patayin ang sindi ng kandila.

8--Siya Nawa, amen o blessed be ang bigkasin matapos hipan ang sindi ng kandila.

9--Gawin ang ritwal na ito isang araw pagkatapos ng full moon.

Ulitin ang ritwal hangga’t walang nakikitang pagbabago.

Show comments