Ano ba ang light-emitting diode (LED)?
Ito ay semiconductor light source na lumilikha ng liwanag kapag dumaloy ang current dito. Kapag dumaloy ang curret sa diode, nagre-recombine ang electrons sa electron holes sa device at nagre-release ng energy sa anyong photons. Ito ay tinatawag na electroluminescence.
Ang kulay ng liwanag ayon sa energy ng photons) ay deniditermina ng energy band gap ng semiconductor. Nagiging puti ang liwanag kapag gumagamit ng maraming semiconductors o layer ng light-emitting phosphor sa semiconductor device.
Ano ang LED Light Bulb? Ang LED light bulbs ay mga bagong innovation sa lighting industry na bagong technology kumpara sa traditional na incandescent or compact fluorescent).
Imbes na pinapainit ang filament tulad sa bombilya, ina-activate ng LED light bulbs ang light emitting diodes na semiconductors na nagiging sanhi para mag-release ang electrons ng light energy.
Ang LED light bulbs ang nagko-combine ng maraming diodes para mas lumiwanag brightness tulad ng sa incandescent.