^

Para Malibang

Lalaking nangaliwa, ipina-tattoo ang mga kasalanan sa asawa

GRABE NA ‘TO - Pang-masa

Ang ayusin ang nasirang tiwala sa isang relasyon ay napakahirap maibalik, lalo na kung talagang nasaktan ang isang tao.

Desperado na ang lalaking si Jose Torres mula Mexico na mapatawad ng kanyang asawa sa mga kasalanang nagawa, kaya naman para muling mabalik ang pagtitiwala nito sa kanya, ipina-tattoo niya isa-isa ang kanyang mga kalokohan - ang kaso, mali ang ilan sa mga naging spelling nito.

Nakapaloob sa mensahe ang kanyang pangalan at petsa kung kailan niya ito pinalagay at mukha ring bagong gawa lang ito dahil maga pa ng bahagya. “I, Jose L. Torres am getting a tattoo voluntarily on January 2, 2019 so that I can earn my wife’s trust back for the pain and suffering I have caused in our marriage.

“I am a: liar, cheater, manipulator, deciever, whore/prostitute lover, dishonest and disrespectul.” Umabot ang nasabing tattoo mula sa kanyang dibdib hanggang sa tiyan. Kumalat sa social media ang kanyang ginawa na mismong artist pala niya ang nag-post. May caption pa ito na:

“Nothing like some nice lettering to start the year. (just to clarify i didn’t know the tattoo was mispelled until they started talking about it).”

Samantala, mukhang hindi epektib ang ginawa ni Torres dahil hindi niya nakuha ang simpatya ng netizens, sa halip na kaawaan ay pinagtawanan pa ito at itinama ang ilan sa mga maling spelling ng kanyang tattoo. Ang tattoo ay pang­habambuhay na dalahin, oras na pinalagay mo ito, ‘di na ito muli pang mabubura sa iyong balat kaya dapat na pag-isipan ng maraming beses bago magpalagay.

JOSE TORRES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with