Pagkatapos ng holiday season, kalimitan ang sakit na nakukuha ng mga tao ay sipon, ubo, at masakit na lalamunan dahil sa mga matatamis na nilantakan.
Ano nga ba ang mga natural remedies ng ubo at sipon?
1. Magpahinga. Nakatutulong na malabanan at bumaba ang sipon at ubo dahil napapalakas ang energy ng immune system na labanan ang sakit.
2. Magpatak ng honey tea o lemon sa iniinom na tubig.
3. Magpakulo ng tubig at lagyan ng pinitpit na luya.
4. Umiinom ng maraming tubig.
5. Steam bath. Puwedeng mag-init ng tubig saka ihalo sa tubig bago maligo.
6. Magmumog ng tubig na mayroon konting asin
7. Kumain ng pinya, ang stem sa gitna ng pineapple ay nagpapaluwag ng plema sa lalamunan.