Paganahin ang Pagiging Business Minded

Ang isang magandang gawin sa paglilinis ng closet ay ipinamimigay ang mga damit na hindi na isinusuot. Maliban lamang kung kasya pa ang well-tailored suit o dress na in case na gagamitin para sa isang okasyon.

Puwede ring gawing motivation factor ang masikip na damit upang maging dahilan ng iyong pag-work out para pumayat. Pero kung desidido nang i-let go ang damit ay mas maiman na i-donate na lamang ito sa mga kapatid o kamag-anak na mas makikinabang ng iyong damit.

Ang iba ay pinagkikitaan ang mga lumang damit o gamit na ibenibenta sa kanilang garage sale sa mas murang halaga.

Hindi kasi namamalayan na habang naglilinis ng iyong drawer ay ma­rami na ang nakokolektang items kahit pati ang maliliit na abubot o bags na nagpapasikip na ng iyong drawer.

Pwes pairalin pa rin ang iyong business minded sa mga pinaglumaang gamit na puwedeng ga­wing project ng anak.

Ituro na imbes na itapon ay kumita sa inaakala nang basura o walang halaga.

Show comments