Bagnet Pizza, Patok!

Alam n’yo ba na ang sikat na Ilocano dish na bagnet ay mayroon na ring gourmet side?

Patok ngayon sa isang restaurant na Herencia sa Ilocos Norte ang mga Ilocano dish na ginawang pizza.

Isa na nga rito ang bagnet na pinakasikat sa nasabing probinsya.

Ang bagnet ay crispy pork belly na dalawang beses iprinito.

Sa unang rinig ay aakalaing hindi babagay sa isa’t isa ang pizza at bagnet.

Pero alam n’yo ba na ang crispy pork belly na ito ay swak din pala sa cheese at tomato sauce na kadalasang base ng pizza?

Bukod sa bagnet pizza, mayroon ding longganisa, poqui-poqui, at dinuguan pizza na ino-offer sa nasabing restaurant.

Show comments