Cougar na biyuda in love

Dear Vanezza,

Ako  ay po 45 years old na biyuda na. May nanliligaw sa akin na 10 years ang tanda ako sa kanya. Marami ang nagwa-warning sa akin na masyado raw malayo ang agwat ng edad namin. Baka raw mambabae lang ito dahil guwapo. Malamang pera ko lang daw ang target niya. Nakita ko naman na pinagmamalasakitan niya ako. May dahilan ba para mag-worry ako? - Liza

Dear Liza

Kahit pa 10 years ang agwat ninyo ay okey lang. Kung tapat naman siya sa iyo. Huwag mong isipin ang mga babala ng kaibigan mo. Ang mas mahalaga kung ano ang nakikita mong tama sa iyong desisyon. Importanteng isipin ang iyong happiness.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

Show comments