Abot-Kamay Body Scrub

Kakaunti lang ang nakaka-afford na magpunta sa spa para makapagpa­masahe at makapagpahilod ng buong katawan o ‘yung tinatawag na body scrub.

Walang dapat alala­hanin dahil abot-kaya na ito.

Kailangan lang ng kalahating tasa ng olive oil at ¼ cup ng sea salt.

Paghaluin itong mabuti at saka ihilod at gawing pangmasahe sa katawan ng ilang minuto.

Pagkatapos nito ay ban­lawan lang ito ng malamig na tubig.

May antioxidant, antibacterial, at nakakalambot ng kutis ang olive oil samantalang nililinis naman nang mabuti ng sea salt ang balat.

Bukod sa nakamura ka na, nakatitiyak pang wala itong chemical.

Maganda rin itong bonding sa sarili at ma­ging sa inyong mahal sa buhay.

Show comments