Sa isang mainit na disyerto ng Karakum sa bansang Turkmenistan, sa isang village ng Darvaza kung saan nakatira malapit ang 350 katao sa isang butas na may lawak na 230 ft at umaapoy na sa loob ng 40 taon matatagpuan ang tinatawag nilang ‘Gates of Hell’ o Darvaza gas crater.
Kitang-kita agad ang liwanag ng apoy nito kahit na ilang milya pa ang iyong layo.
Ang Gates of Hell ay nabuo noong 1971 nang aksidenteng mabunggo ng isang drilling rig ang pinakailalim nito sanhi para bumigay ang pinakapundasyon. Natamaan din nito ang ilang gas na nakalalason at kumalat, hanggang sa umabot na ito sa alarming rate.
Para malaman ng mga tao na delikado sa nasabing butas, sinindihan na lang nila ito at simula noon, hindi na ito tumigil sa pagliyab.
Ang drilling rig na nakatama sa Gates ay pinaniniwalaang nasa ilalim pa rin nito at hindi pa rin naaalis simula nang mangyari ang aksidente.