Napikot na Mister Gustong Kumawala

Dear Vanezza,

 

Pinikot ko lang po ang mister ko dahil nabuntis ako, pero naging maayos naman po ang aming pagsasama. Nagbago lang ang lahat nang mag-abroad siya sa Amerika. Gusto niya na ipa-annul ang kasal namin para makapagpakasal siya sa isang US citizen na nakilala niya. Pero mahal ko ang mister ko ang mali lang ay napilitan siyang pakasalan ako. Ano ba ang gagawin ko? - Rita

Dear Rita,

Malungkot ang sitwasyon pero ganun pa man, manatili ka sanang positibo para sa buhay ninyong mag-ina. Bakit hindi mo subukan na ipaliwanag ang iyong damdamin. Siguraduhin mo ang sustento ng iyong anak upang maayos ang kanyang magiging future.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments