Ngiti at Labi

1--Ang taong ngu­mingiti nang nakasara ang mga labi ay may itinatagong sekreto tungkol sa kanyang sarili. Ngunit kung minsan ang dahilan ay nahihiya lang siyang ipakita ang kanyang pangit na ngipin.

 

2--Tsismosa ang taong kung ngumiti ay kitang-kita ang gilagid, tapos ma­lakas pang humalakhak.

3--Maganda ang ugali ng taong kung ngumiti ay tama lang ang buka ng bibig at bahagyang nakikita ang mga ngipin.  

4--May labi na kapag isinara ay nagmumukhang nakahikbi—Turned down lips ang tawag dito o fish mouth. Ganito ang labi ng mga taong reklamador.

5--Turned up lips. Kapag ngumiti ay mukhang nakataas ang magkabilang corner ng labi. Sila ang mga taong palakaibigan at mabait.

6--Kung labi ng babae ay turned up lips, tapos may nunal sa ilalim o iba­baw ng labi, siguradong siya ay  malakas ang sex appeal.

7--Sumisikat at yumayaman ang may nunal sa ilalim o ibabaw ng labi.

Show comments