Anim na taong gulang lamang noon ang babaeng si Moloi nang makaranas ng pagmamalupit mula sa kanyang mga magulang. Mula siya sa bansang South Africa at ipinanganak siyang hindi nakakakita, ito ang dahilan kung bakit ayaw sa kanya ng kanyang pamilya.
Inabandona at pinabayaan si Moloi na magpagala-gala sa lansangan at magutom.
Hindi niya alam kung papaano mabuhay lalo na’t hindi siya nakakakita, kaya naman nang may lumapit sa kanya at nagtanong kung bakit siya mag-isa ay nakakita siya ng pag-asa.
Lingid sa kanyang kaalaman, may masamang balak pala ang taong lumapit sa kanya. Dahil sa siya ay bulag, hindi niya alam na may mga kasama pa itong iba.
Itinakbo sa ospital si Moloi ng isang babaeng nakakita sa kanya, natagpuan niya kasi itong walang malay at puro dugo ang ibabang bahagi ng katawan.
Ayon sa doktor na sumuri sa kanya, positibong nagahasa si Moloi, pero hindi ito ang pinamalaking dagok na kanyang pinagdaanan dahil bukod sa panggagahasa ay nagpositibo rin siya sa HIV.
“I was raped, and that’s when my foster mother, Melita Mofokeng, found me in the street bleeding.
“I was taken to Manapo hospital where they discovered that I was raped by many men.
“The doctors then ran some tests and found out that I was infected with HIV.
“I was hurt and crying and asking myself questions that I couldn’t answer,” pagbabahagi ni Moloi.
Ang babaeng nagligtas sa kanya na nagngangalang Melita ay nagdesisyong ampunin nalang siya. Mag-isa na lang din kasi ito sa buhay kaya naman hindi na ito nagdalawang isip pa.
“She had the courage to step in and take me to her place,” patuloy pa ni Moloi.
“She ended up adopting me without ever judging me. She didn’t have children of her own so I became her child.”
Ayon kay Melita, mananatili niyang anak si Moloi. Hindi na niya naisip dati na magkakaroon pa siya ng sariling anak, hanggang sa dumating ito sa buhay niya.
Malaki ang utang na loob ni Moloi sa kanyang nanay-nanayan kaya naman nangako siya sa kanyang sarili na kahit anong mangyari ay tatatagan niya ang kanyang loob. Ito rin ang nagturo sa kanyang lumaban sa sakit na iniinda at palaging tumingin sa mga positibong bagay.
24 years na ang nakararaan mula nang mangyari ang malagim na sinapit ni Moloi, ngayon ay 30 years old na siya at isa nang motivational speaker sa mga eskuwelahan at simbahan. Kasali rin siya sa Youth Development Organization na LoveLife kung saan nakilala niya ang kanyang pag-ibig.
Nagulat ito sa nakaraan ng nobya pero hindi nagbago ang pagtingin niya, “I was shocked, but my love never faded away, I didn’t stress too much. I accepted her the way she was.”