Simpleng Movement Para sa Vertigo

May specific na treatment sa ilang dahilan ng vertigo. Pero paano nga ba mapipigilan ang pag-atake ng vertigo sa isang indibidwal?

Mayroong series na simpleng movement ng ulo na tinatawag na Epley manoeuvre na ginagawa upang maagap na maiwasan ang pag-atake ng vertigo.

1. Lumuhod at tumi­ngala sa kisame ng ilang segundo.

2. Abutin ang sahig ng iyong ulo na nakayuko ang baba habang nakatiklop ang tuhod.

3. Tumigil kapag nakakaramdaman ng vertigo ng 30 seconds.

4. Ibaling ang ulo sa apektadong tainga.

5. Kung nahihilo iba­ling ang ulo sa kaliwa kasabay ang posisyon ng siko sa parehong direksyon ng ilang segundo na nakatagilid.

6. Ibaling sa kanan ang ulo ganundin ang siko sa right side na direksyon na nakatagilid.

7. Puwede rin gawin ang mga movement na nakaupo o nakahiga lamang. Dahan-dahan na humiga pakaliwa pagkatapos ay pakanan na maglagay ng unan sa likod. Habang nakalaylay ang leeg na ibaling ang pag-ikot ng ulo sa kanan at kaliwa ng ilang segundo.

Show comments