Estudyanteng gusto nang sumuko

Dear Vanezza,

Ayaw ko nang pumasok o makita ng mga classmates ko. Lagi nila akong inaapi at sinasabing wala akong mararating. Hindi ko masabi sa nanay ko na gusto nang pagpalit ng kurso. Pero naaawa ako bilang single mother lamang na nagtataguyod sa aming magkapatid. Ano ba ang gagawin ko?

Benjie

Dear Benjie,

Gawing challenge ang panunukso ng iyong mga classmates. Idaan mo sa tawa at biro ang lahat na huwag kimkimin. Isipin si nanay na gawing inspirasyon. Ipagtapat sa iyong kapatid o nanay upang lumuwag ang iyong pakiramdam. At may makaramay sa iyong kalungkutan.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments