Baog na Misis Ginagawang Punching Bag ni Mister

Dear Vanezza,

 

May kinakasama akong lalaki ngayon na lagi niya akong sinasaktan. Lasenggo at kapag umuuwi ng bahay ay binubugbog ako. Sinisisi niya ako kung bakit hindi kami magkaanak dahil sa baog ako. Paglalabada lang ang trabaho ko na siya lang ang bumubuhay sa aming dalawa. Takot akong mag-isa sa buhay, pero hindi ko naman pinangarap na maging miserable ang buhay ko. Dapat ko na bang hiwalayan ang kinakasama ko? – Lorna

Dear Lorna,

Huwag magpaka-martir. Wala kang kinabukasan sa ganyang klase ng lalaki. Matuto kang tumayo sa sarili mong paa kahit pa paglalaba ang iyong trabaho. Huwag umasa sa lalaki na ginagawa ka lang punching bag. May lalaki pa rin na magmamahal sa iyo sa kabila ng iyong diperensiya. Puwedeng mag-report sa DSWD o sa inyong barangay upang matulungan ka sa iyong sitwasyon.

Sumasainyo,

Vanezza

 

 

 

Show comments