Teaching moment sa anak

Mayroong maliit na moments sa buhay na makatutulong sa mga anak kung paano ma-overcome ang problema at kanilang kahinaan upang manatili pa ring positibo ang anak.

Gamitin ang mga teachable moments na mag-create ng pagkakataon na abutin ang mga bata. Kahit sa simpleng kuwentuhan habang kumakain, naglalaro, gumagawa ng assignment, nanonood, naglilinis, namamasyal, bago matulog, at iba pang bonding moment kasama ang mga bata.

Huwag asahan na tahimik lamang na makikinig ang anak sa mga pangaral ni nanay o tatay kung bakit kaila­ngang manatiling positibo ang bata sa lahat ng panahon. Sa halip ay isama ang anak na maging involve at active sa inyong usapan. Hayaan ang anak na umaksyon, mag-act, sumagot, at mag-react sa mga sitwasyon upang matutunan ng bata kung paano i-handle ang mga problema kahit sila ay nag-iisa.

Show comments