Paranoid Personal Disorder
Lahat ng tao ay paranoid sa bawat oras na normal lang namang mangyari. Pero ang iba lumalampas na sa boundaries nang sobrang pagsuspetsa. Yung tipong tamang hinala na pati social media account na madalas gaya ng Facebook ay hina-hack. Nakikinig sa usapan ng telephone conversation. Kahit sa punto pa na nagha-hire talaga ng private detective para lang ma-track ang mga gustong mahanap na ebedensiya. Ang taong suspetsoso ay desperadong indibidwal na nakararanas ng paranoid personal disorder.
Ang sintomas nito ay walang tiwala sa partner, kaibigan, kapitbahay, at ibang tao. Laging may meaning sa kanya ang kahit ordinaryong kilos na nagpapairita sa partner. Ang tingin sa lahat ng kasama ay guilty. Walang sense of humor na hindi na nakikita ang nakakatawang bagay sa kanyang paligid.
Hindi masama ang minsang maghinala, pero tingnan din ang positibong ugali ng ibang tao upang mawala ang kawalan ng pagtitiwala sa kapwa.
- Latest
















