Tatay na‘di patas ang trato sa anak

Dear Vanezza,

Paborito lamang ng mister ko ang prinsesa niya. Kahit 14 years old na ito ay sunod pa rin ang luho. Dedma sa panganay naming lalaki na naghahanap din ng lambing ng kanyang tatay. Ipinagtatampo rin ni kuya dahil laging mas lamang ang ibinibigay ng tatay nila sa bunso namin. Ano ba ang gagawin ko? – Nanay Jasmin

Dear Nanay Jasmin,

Paliwanagan si mister na dapat ay patas ang trato niya sa inyong anak na puwedeng dahilan para magrebelde ang inyong panganak. Ipaalala rin sa asawa na bilang tatay ay kailangang maging balanse ang kanyang turing sa kanyang mga anak upang mawala ang selosan at hindi rin mag-away ang dalawang bata.

Sumasainyo,

Vanezza

 

 

Show comments