Paboritong ilagay ang olives sa mga pasta dishes at isa rin ito sa nagpapasarap ng pizza.
Pero alam n’yo ba na hindi kayo makakabili ng fresh olives sa palengke at supermarket?
Mabibili ito nang nakaburo na sa garapon kahit saan.
Simple lamang ang dahilan - hindi niyo ito makakain dahil sa sobrang pait at sama ng lasa.
Ang compound na nagpapapait ng lasa nito ay ang oleuropein.
Mayroon 14 percent ng oleuropein ang fresh olives kaya sobrang pait at mapakla ito.
Para makain, ginagamitan ng iba’t ibang method ng professional olive processors ang nasabing prutas. Isa sa mga method na ito ay ang pagbababad sa tubig at asin na tumatagal din ng ilang linggo.