Ginagawang Parausan ng BF

Dear Vanezza,

May boyfriend ako at two years na kaming mag-on. Nabuntis ako na ang gusto niyang mangyari ay ipalag­lag ang bata sa tiyan ko. Sabi niya hindi pa raw siya handang mag-asawa. Pero nakokonsensiya ako. Alam kong kasalanan ito. Magdadalawang buwan na ang dinadala ko at ilang linggo na lang ay halata na ang tiyan ko. Pero nagmamatigas ang nobyo ko na ipalaglag ito. Ano ang gagawin ko? - Millet

Dear Millet,

Huwag mong ipalaglag ang sanggol. Kung ayaw ka niyang panagutan, kalimutan mo na siya at mag-isa mong itaguyod ang sanggol na iyong isisilang. Hindi ka mahal ng nobyo mo. Kundi ginagawa ka lang niyang parausan kaya magising ka sana sa katotohanan.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments