Isa si Andreas Bathory mula sa bansang Romania sa mga taong naniniwala na hindi lang sa libro makikita o mababasa ang mga bampira. Nakakasalamuha na rin daw ito ng mga tao sa modernong panahon.
Kuwento niya, dinalaw raw siya ng tinatawag niyang ‘warlord’ sa kanyang panaginip para sa isang misyon. Siya raw ang pinili nito para ipalaganap sa mga tao na kailangan nilang uminom ng dugo.
“Four years ago, he came to me in my dreams. He was in a dark chamber calling me ‘my son’.
“I don’t believe I’m his descendant, but that rather he chose me to relay his message and traditions with the new generation.
“After that night, I brought an offering to the place where he was killed, and he told me: ‘your life will change forever now’. It did.”
Pagkatapos ng insidenteng iyon, umiwas na si Andreas sa modern online vampire community at ipinalaganap na ang lumang tradisyon ng mga totoong bampira.
Siya ngayon ay leader na ng Ordo Dracul coven, isang grupo kung saan pinaniniwalaang nabuo matapos ma-assassinate ni Dracula noong 1476.
Kung nagtataka kayo kung paano sila umiinom ng totoong dugo, sinabi naman nila na hindi sila pumapatay ng tao o nangangagat ng leeg tulad ng mga napapanood sa pelikula, sa halip, meron daw silang isang grupo ng donor na pinagkukuhaan na ‘black swans’ kung tawagin. Sariling dugo raw ng mga ito mismo ang idino-donate nila.
Inihahalintulad ni Andreas sa sex ang pag-inom ng dugo, tulad nito nakakabata rin daw ang pag-inom ng dugo at ito ang nagbibigay sa kanya ng kapangyarihan.