Nasobrahan ba ang kain mo ng dishes na maraming bawang at sibuyas?
Alam niyo bang mali ang una niyong ginagawa na pagnguya ng extra strong na mints at bubblegum para mawala ito?
Katunayan, nasa tabi-tabi lamang ang paraan para mawala ito. Subukang ngumuya ng roasted coffee bean at agad makikita ang resulta. Matatanggal ang mabahong amoy na naiwan ng sibuyas at bawang.
Isa pang epektibong pantanggal ng bad breath ay ang dahon ng mint at parsley.
May mga paniniwalang nakakabaho ng hininga ang kape at mas mabuti kung ngunguyain na lamang ito. Kung hindi naman mapigilan, piliing uminom ng black coffee.