Baog na mister, pero buntis si misis

Dear Vanezza,

Baog ako na hindi ko sinasabi sa misis ko. Pero ang masakit, after three years ay nabuntis ang misis ko. Nagpa-check up ako uli at sinabi ng doktor na kailaman ay hindi ako puwedeng makabuntis. Paano ko ba kokomprontahin ang misis ko? – Mr. Doubt

Dear Doubt,

Walang ibang paraan kundi deretsang kausapin si misis kung handa ka nang tanggapin ang kanyang ginawa at ang bata. Ang tanong ay kung mananatili pa rin ang iyong tiwala sa kanya pagkatapos ka niyang lagyan ng dumi sa iyong ulo.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments