Isang babae sa Amerika ang nagsagawa ng sariling experiment tungkol sa mansanas.
Ayon kay Annie, hindi lumilipas ang isang araw noon nang hindi siya kumakain ng isa hanggang dalawang saging.
Nakasanayan na niya kasi ito kahit pa nga hirap siya sa pagbabawas minsan dahil ang saging ay nagko-cause rin ng constipation.
Naisipan ni Annie na palitan ang araw-araw na pagkain ng saging sa pagkain ng mansanas. Isang linggo niya itong ginawa at nagulat siya sa resulta.
Maganda na raw ang kanyang digestion at hindi siya bloated. Bukod dito ay hindi rin siya mabilis na nagugutom.
Mas kakaunti rin ang calories ng mansanas kesa sa saging pero sapat na ito para siya ay mabusog.
Mas matamis kasi ang saging na dahilan kaya siya lalong natatakam kumain ng matatamis.
Kaya kung ikaw ay nagugutom, piliin ang apple bilang snack at hindi bilang desserts.