Dress Code sa Japan

Kilala ang Japan sa pagiging conservative at traditional na bansa, kahit sabihing ang business attire ay nahaluan na ng westernize ang kanilang kultura.

Pero kadalasan ay nanatiling walang casual Friday, o Monday hanggang Biyernes ang kanilang pananamit.

Hanggang ngayon ang traditional outfit ng Japanese na Kimono ay sinusuot pa rin na kadalasang makikita sa kasalan, tea ceremonies, at ibang pormal na okasyon.

Importante ang kasuotan sa Japan na madalas ay hinuhusgahan kung paano manamit ang indibidwal na mayroong bawal lalo na sa mga formal na pagtitipon.

Lalo’t higit na mas mahalaga sa mga Japanese ang dress code o kasuotan pagdating sa trabaho o habang nakikipag-deal sa mga negosyo.

Show comments