Ikaw at ang zodiac signs (11)

Aquarius:

Sila ay matalino, mapagbigay, magaling makisama, masayahin, malawak ang pang-unawa kaya magaling bumasa ng karakter ng kanyang kapwa. Pero kung minsan, siya ay tuso.

 May pagkakataong nahihiyang manligaw ang lalaking Aquarian kaya nakukuntento na lang siya sa pasulyap-sulyap o ligaw tingin. Dala ng pagiging praktikal, ang Aquarian lady ay hindi magdadalawang isip na palitan ang kanyang karelasyon kung nararamdaman niyang hindi na siya maligaya sa piling nito. Pero may Aquarian lady na hindi gustong magpapalit-palit ng partner. Sila ‘yung ang pagmamahal sa asawa ay panghabambuhay.

 Masuwerte ang Aquarian tuwing Huwebes, Biyernes, Martes, at Lunes. Hindi masuwerte ang Miyerkules at Sabado.  Lucky numbers ay 3, 9, 2, 7. Hindi maganda ang vibration ng 1, 4, 5, 8. Lucky colors ay yellow, white, red at cream. Iwasan ang  orange, green at blue.

Show comments