Pangalawang Anino (550)
HABANG naglalakad nga si Yawan ay kasunod niya ang kanyang dalawang anino. Sina Angela at Yawanaya.
“Talaga bang napakaganda roon sa dulo?”
“Oo, Yawan. Sobrang ganda.”
“Pero mag-iingat ka, ha? Huwag kang basta magtiwala.”
Matalino si Yawan, naaalerto na. “Bakit ba parang ... binabantayan ninyo ako, hindi lang basta sinasamahan.”
“Hindi ka namin binabantayan.”
“Yawan, walang dahilan para bantayan ka namin.Safe tayo rito sa banal na bundok.”
“Nag-aalala kayo sa mga kidlat at kulog.”
“Ah, dahil ngayon lang namin nararanasan na may ganito ... “
“Hindi kaya mga kaaway ang gumagawa ng mga ganyan.”
Inosente ang tanong na iyon ni Yawan.
Hinagod siya sa likod ni Ariel.
“Kaya nga dapat patunayan. Puwede bang kausapin ko lang sandali ang Pio na ‘yan?”
“Paano kung mag-aaway kayo?”
“Huwag tayong magpadala sa takot, Yawan.”
“Sige, go.”
Hinarap ni Ariel si Pio.
“Kailangan lang namin talaga ng pruweba na mabait kang tao.”
“Ano ba ang iniisip mong pruweba?”
Nagdasal bigla si Ariel sa harap ng prinsepe ng kadiliman.
Taimtim.
Our Father.
Hail Mary, full of grace.
Biglang nangati sa buong katawan si Pio. Pati anit. Pati buhok.
Hindi na niya matiis.
Kamot, tampal, pokpok sa binti.
“Nagdasal lang ako para ka nang kinagat ng isang milyong langgam. Sino ka ba talaga? Masama kang puwersa! Sana makita na namin ang tunay mong mukha!”
Lumalaban pa rin ang puwersa ng kasamaan kahit nasa bundok na banal ang prinsepe ng kasamaan. Hindi nagbago ang anyo ni Pio kahit panal-pantal na sa pangangati.
Itutuloy
- Latest