Emergency Fund
Hindi maintindihan ng marami na kailangang magtabi ng pera dahil hindi natin matiyak ang kinabukasan.
Ang pag-iipon ng pera ay makatutulong na puwedeng maging secure financially na maaaring magbigay ng safety net sa oras ng emergency.
Puwedeng mag-save para sa emergency fund hindi lang para sa kalusugan o medical expenses, o mawalan ng trabaho, kundi sa biglaang gastusin na mayroong nasira sa bahay o kotse.
Ito ay upang hindi mabaon sa utang kung mayroong madudukot na pera sa biglaang aberya. Lalo na sa oras ng retirement sa panahon na wala ka nang inaasahan na sahod o wala nang trabaho. Maging sa education plan na taun-taon ang mga private o public man na eskuwelahan ay nagtataas ang tuition fees.
Hindi pa kasali ang ibang gastos sa pamasahe, libro, baon, project, o iba pang nakalinyang puwedeng gastos.
Kung walang pera na itatabi para sa savings o investment, inilalagay ang sarili sa risk o sa oras ng panganib.
Kung walang sapat na pera na pambayad sa anomang hindi inaasahang pagkakataon.
- Latest