* Kahit noon pangarap ko lang ay maging plain housewife. Para mabantayan ang mga anak ko at pagsilbihan ang mister ko. Hindi pa rin ito madaling gawin dahil 24 hours kang walang tulog o day off sa pag-aasikaso sa kanila. Pero masasabi kong worth it. – Sam, Laguna
* Career woman ako pero hindi ibig sabihin ay pinapabayaan ko na ang pamilya ko. Sila pa rin ang priority ko. Bago ako umalis ng bahay ay kumpleto na ang kailangan nila. Kahit nasa work ako ay naka-monitor pa rin ako sa mga kaganapan sa mga anak at mister ko. Kahit nagtatrabaho ako ay puwede ko pa rin balansihin ang mga responsibilidad ko bilang misis, nanay, ay office girl. – Vicky, Makati
* Sino bang babae na ayaw tumigil ng bahay para maasikaso ang mga anak. Pero dahil kulang ang kinikita ng mister ko ay napipilitan din akong magtrabaho. Hindi madali dahil hindi maiiwasan na mayroong maapektuhan. Pero sa biyaya ay lahat posibleng panindigan. – Len, Pamplona Las Pinas
* Sorry hindi ako housewife material. Pero sinisiguro ko na priority ko ang mister at mga anak ko. Hindi sagabal ang pagiging career woman upang makita mong makapagtapos ng pag-aaral ang mga anak mo. – Janell, Poblacion
* Hindi ako puwedeng maging housewife dahil nabubugnot ako sa bahay kapag nakaalis na silang lahat sa school at opisina. Kaya work to death din ako magkaroon lang ng promotion. Mabuti na lang supportive at understanding ang mister ko. Mas nauuna pa siyang umuwi ng bahay para magluto at mag-asikaso ng kailangan ng anak namin. – Marlyn, Baguio