^

Para Malibang

Pangalawang Anino (544)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

NAKANGITING Yawan ang lumabas sa kulungang banal.

Tuwang-tuwa si Alona. “Yawan! Diyos ko po, salamat!”

“Inay? Bakit ... bumalik ang anyo ninyo?”

“Anak, pati si Yawanaya! Tingnan mo nga ang pa­ngalawang anino mo, o!”

“Oo nga! Tulad ni Inay, hindi ka na rin halimaw, Yawanaya!”

“At ikaw din, Yawan! Ang ganda-ganda mo na naman!” Masayang sinabi ni Angela.”

“Nararamdaman ko na ang sinasabi ninyong kaligayahan dito sa bundok na banal! Ayoko na ring umalis dito!’

“Masama pa rin ba ang loob mo dahil sa kabiguan mo kay Arturo?”

Mabilis na umiling si Yawan na nakangiti. “Hindi na. Hindi na, Inay. Nakatagpo na yata ako ng kapayapaan.”

“Halika na, anak. Kumain ka na ng mga pagkain dito sa bundok na banal. Salu-salo na tayo!” Masuyong hinila ni Alona ang anak.

ANG hari ng mga demonyo ay malakas na nga ang puwersa nang mag-hibernate sa impiyerno.

“Kailangan kong gamitin ang utak. Dapat ay mabawi ko muna ang isip at kaluluwa ng aking anak.”

At nag-concentrate ang hari.

ANG prinsepe ay tinablan kaagad.

Ang demonyong isip ay nagbalik.

Naging mapanganib.

“Dapat ay mapatay ko silang lahat. Para lalo pang lumakas ang puwersa namin. At susubukan kong wasakin ang kabanalan ng bundok na ito!”

Sinabi lang ito ng prinsepe ng mga demonyo sa kanyang sarili.

Masama na ang tingin niya kay Ariel. “Ito ang uunahin ko. Pero dadaanin ko sa laro ang pagpatay sa mga ito. Kailangan, malupit at exciting!”

Pero si Ariel ay may panlaban din na pakiramdam. May kutob.

“Bakit parang ... bigla akong nawalan ng tiwala sa Pio na ito? Wala naman akong maisip na dahilan. Basta nararamdaman ko lang.”

Si Yawanaya ganoon din.

Nauna naman talaga siyang hindi makaramdam ng tiwala kay Pio.

Sina Alona at Yawan ang walang kutob na masama.

Basta masaya lang ang mag-ina dahil maganda na ang pagkatao ni Yawan.“Inay, gusto n’yo nang ganyan kayo?”

“Oo naman, anak. Para ngang milagro, e!”

Itutuloy

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with