Spiritual Battle ng Pamilya

Naiintindihan man o hindi, tayo ay nakikipaglaban sa spiritual na battle araw-araw. Nabubuhay tayo sa kultura na gustong talunin ang ating pananampalataya. Ang devil ay gustong i-promote ang pagiging makasarili at kawalan ng pagmamalasakit sa isa’t isa. Mayroong survival tips upang malampasan ang spiritual battle.

Tandaan, huwag makipagsagupaan na mag-isa. Laging magpakumbaba at humingi ng guidance at pabor sa Panginoon.

 Upang mawaksi ang kaaway ay laging magsuot ng full armor na magbasa ng Bible upang panlaban tuwing may negatibong bagay na ipupukol sa pamilya.

Hindi sapat na makipaglaro ng nakadepensa  kailangan din ng offensive na hakbang. Maraming tao ang kunteto, pero kailangang humingi pa rin ng kapatawaran sa ating kasalanan. Tigilan na ang pagsasayang ng oras. Kung lahat ay lumalaban para sa kinabukasan ng ating henerasyon. Ngayon pa lang ay bawasan na ang panonood ng TV, paggamit ng sa social media account, at I-unplug ang Internet.

Masyadong mahalaga ang buhay na hindi dapat kalimutan na bigyan ng panahon o oras ang mahal sa buhay. Huwag kalimutan na ang buhay mag-asawa ay isang spiritual battlefield at hindi romantic balcony. Laging magtulungan sina mister at misis na hindi makasama sa casualty na naging biktima na nawasak ang kanilang tahanan.

Show comments