House rules ng mag-asawa
Kung ang tahanan ay nahahati, tiyak ang bahay ay hindi kakayaning tumayo. Sa isang kuwento nang bumili ng isang bahay si mister na yari sa kahoy na kinaiinisan ni misis sa mahabang panahon. Mas lalo pang nabubuwisit si misis kapag kinukumpuni ng kanyang asawa na parang barung-barong na bahay kahit malaki na kasya ang apat nilang teenager.
Pati ang anak ay naapektuhan dahil wala nang oras si tatay sa kanyang pag-aayos ng kanilang bahay. Reklamo ni misis kung tutuusin ay mayroon silang perang pambili ng bagong bahay, hindi katulad ngayon na lagi na lang kinukumpuni.
Kahit hindi na matiis ni misis ang idea ni mister ay sumuko na ito. Inamin nito kay mister ang kanyang hinahakit dahil sa kanilang bahay na gawa lamang sa kahoy. Gusto ni misis na ibenta na lang ang bahay. Pero mas gusto pa ni mister na umalis na lang ng bahay si misis kaysa sa ibenta ang kanilang pag-aari.
Ano ba talaga ang totoong problema? Maraming isyu, pero ang pinakasentro ay parehong hindi nagsi-share ng parehong values ang mag-asawa. Maaaring ang importante kay misis ay hindi ganun kahalaga kay mister. Kailangang magdesisyon na may pagkakaisa ang mag-asawa. Mahalaga ang oneness sa marriage life at may puso kung paano magsakripisyo upang maabot ang parehong values at respeto sa isa’t isa bilang rules sa kanilang tahanan.
- Latest