Disiplina para sa inner character ng anak
Minsan sa gitna nang pagtutuwid sa mga anak ay madaling makalimutan ang unang pinakamahalagang dahilan ng pagdidisiplina sa kanila. Hindi lang basta sa pag-utos na pagdampot ng marumi nilang damit o pagbawalan silang huwag mag-away na magkakapatid lalo na sa harap ng kainan.
Ang dahilan ng disiplina ay upang ma-develop ang kanilang inner character, maging mabuting tao, at malaman kung paano tumugon sa mga hamon ng buhay.
Ang gitna ng bola ng baseball ay gawa sa matigas na rubber. Pero imagine kung ang core ng nasabing bola ay marshmallow. Ano ang mangyayari kapag nawala ang tali at matanggal ito sa paligid ng bola na kapag tinamaan ng matigas na bat ng ilang beses? Tiyak na madudurog ang laman ng bola na marshmallow.
Ang kalooban ng anak ang mas higit na mahalaga bilang character na siyang hinuhubog habang lumalaki ang bata. Sa nagsisimula pa lang ng kanilang buhay sa bawat sitwasyon ay balutin na ang pagkatao ng anak nang maayos na character na siyang magtatali sa kanilang pag-uugali.
Upang pagharap ng anak sa bawat problema at isyu ng buhay ay matututong tumayo ng may matigas na paninindigan na tama.
- Latest