Pagkakamali ng anak
Sino bang magulang ang gusto na laging nagkakamali ang mga anak? Pero payo ng child expert na huwag gawing parang micro-manage ang inyong anak. Hindi kailangan palaging kino-correct ang bata sa tuwing ito ay pumapalpak.
Kundi hayaan ang bata na siya mismo ay makadiskubre sa sarili nitong paraan. Sa ganitong paraan ay nabubusog din ang creativity at innovative thingking ng anak.
Hindi komo nagkakamali ang anak ay wala na itong silbi. Huwag madismaya, okey lang bumagsak o magkamali hindi lang minsan kung maraming beses.
Kapag malaman na bagsak ang anak sa math, imbes na magalit sabihin ay excellent at yakapin ang anak.
Sapagkat maraming pagkakataon upang siya ay lalo pang magpursige at mag-aral.
- Latest