Ang bagay na hindi masikmura ni mister
Ano ang kalimitang nangyayari kapag nagtatalo ang mag-asawa? Ayon sa research, si misis ay anim na beses na naiinis at nagagalit samantalang si mister ay 85% na nagmamatigas na parang pader ang mode.
Hindi ang pagsasalita ni misis ang nagtutulak sa asawang lalaki ang manamihik o tumaggi kundi ang uri ng pananalita ng asawang babae.
Ang mga lalaki ay sobrang sensitive at hindi handang harapin ang katotohanan. Payo ng marriage counsellor na kapag galit ang mga misis, kailangan pumasok sa banyo at humarap sa salamin. Tingnan ang sarili kung ganyang klase ng misis ba ang umuusok sa galit ang dapat makipag-usap sa inyong mga mister.
Para mawala ang pagiging bato ni mister at lumabot ang lalaki, kailangan malumanay, kaaya-aya ang facial expression, at kontrolin ang sarili ni misis na huwag gagamitin ang kamay na nakaturo sa lalaki. Puwedeng makipag-usap kay mister kahit maghapon sa malalim na emosyon, pero iwasan ang tamang hinala, at huwag manlalait na mababa ang tingin sa asawa, at pinapalayas pa ang haligi ng tahanan.
Typicall na kayang i-handle ng lalaki ang negatibong bagay, ang hindi lamang nila masikmura ang pagbubunganga at paninigaw ng mga misis. Dinig na dinig ng mga lalaki sa boses ni misis ang kawalan ng respeto sa kanya. Kung ang goal ay makipag-usap amuin ang kanyang puso sa pamamagitan ng respeto. Kahit pa hindi niya ito deserve.
Ano ba ang pattern ng pakikipagkomunikasyon ng mag-asawa? Gusto mo lang bang umatake ng verbally? Ano ang nagpapakalma sa inyong dalawa? Kung gustong magkaintindihan nina mister at misis na kapwa kailangang magbigay ng mutual respect sa isa’t isa.
- Latest