Paano mapapamahal kay mister?

Ang isa sa happiness ng mga babae ay ma-achieve ang direktang proportion kung paano maiintindihan ang lalaki sa kanilang buhay at mapasaya ito sa kanilang pagsasama. May mga lenggwahe rin ang mga lalaki na bagama’t hindi sila bokal sa pagsasabi o pagsasalita ng kanilang nararamdaman, may paraan upang lalong mapamahal sa inyong mister.

Tandaan na huwag ipapahiya ang lalaki sa publiko. Ayon sa Kawikaan 12:4, Ang mabuting maybahay ay kasiyahan at karangalan ng kanyang asawa, ngunit parang kanser sa buto ang nakakahiyang misis.

Wala nang magpapagalit pa kay mister kapag pinipintasan siya ng kanyang misis o nobya sa harap ng mga tao. Kahit pa ang simpleng pag-ikot ng mata upang salungatin ang sinasabi o behavior ni mister sa harap ng ibang kaibigan o pamilya ay nagpapawasak ng kalooban sa isang lalaki. Maaaring hindi pumapalag o umiimik ang lalaki, pero sa kaibuturan ng kanyang pagkatao ay naglalagablab ang sekretong galit nito sa pagpapahiya sa kanya sa publiko. Kadalasan ang galit nito ay bubulusok sa ibang oras na pagsisimulan na ng matinding away ng mag-partner.

Kung gustong mag-workout ang connection sa inyong mister ay kailangan ipraktis na respetuhin si mister sa harap ng ibang kausap. Kundi sa pribadong pagkakataon na ituwid o paalalahanang kausapin si mister sa mali o hindi sinang-ayunan na kanyang sinabi o ginawa.

Hindi lang dapat palaging happy wife, bagkus ay dapat happy rin si mister sa tamang pagtrato o respeto kay hubby.

Show comments