Transparency sa Online Business
Marami ang nadidismaya pagdating sa online business lalo na ang mga customers. Mayroon din kasing hidden charges pagdating sa shipping rates na malalaman lamang ng buyers pagdating o pag-deliver ng kanilang na-purchase na ikinaiinis ng mga customers.
Kailangan magkaroon ng transparency sa fees at shipping charges na dapat ay honest sa pagitan ng relasyon ng company at customer. Bigyan sila ng multiple option mula sa budget hanggang matapos ang transaction. Siguraduhin na malinaw din sa customer ang tax kung applicable sa isang items.
I-guide rin ang customer sa gustong items dahil kadalasan ay iba ang nasa picture kaysa sa actual na size, texture, o quality na inaasahan ng iyong buyers upang hindi madismaya sa kanilang inaasahan at para umulit ang pag-purchase niya sa iyo ng mga nagustuhan niyang produkto sa iyongs online business.
- Latest