FYI

Ang mga honey bees ay nakatira sa hive o pugad ng mga colonies. Ang member ng hive na gawaan ng pulo’t pukyutan ay nahahati sa tatlong uri:

Reyna – Ang queen ang nagpapalakad sa buong hive. Ang trabaho nito ay mangitlog para sa susunod na henerasyon ng bubuyog. Ang queen din ang nag­lalabas ng chemicals bilang gabay sa mga behavior ng ibang bubuyog.

Workers – Sila ay mga babae na ang role ay iniingatan ang mga pagkain na pollen at nectar mula sa bulaklak, nagbi-build, at pinoprotekhan ang hive. Upang ito ay maging malinis at mag-circulate ang hangin sa pagpapagaspas ng kanilang pakpak. Ang mga workers na siya lamang nakikitang lumilipad sa labas ng hive o pugad.

Drones – Sila ang mga lalaking bubuyog. Ang trabaho ay mag-mate ang bagong reyna. Halos isang daan drone ang nakatira sa bawat hive kapag spring at summer. Pero kapag winter, ang pugad ay dumadaan sa survival mode kung saan pinapalabas ang drones.

Show comments