Magiging magaan ang kabuhayan

Panaginip: Pinapanood ko ang panganganak ng inang tigre. Lumabas sa puerta niya ang isang cute na baby tiger. Ang aking ikalawang panaginip  ay nasa bedroom ako at kasiping ang isang lalaking hindi ko kilala pero sweet na sweet kami.---DD’90

Interpretation : Magiging magaan ang daloy ng pera sa iyo. Ito ang ipinahahayag ng baby tiger. Ikalawang panaginip: Kung ikaw ay nasa sarili mong bedroom at may karelasyon sa kasalukuyan, mas magiging close kayo ngayon. Kung walang karelasyon, magkakaroon ka ng bagong pag-ibig. Kung nasa ibang bedroom ka, matuwa ka dahil ang lihim mo ay mananatiling lihim sa mahabang panahon.

Show comments