^

Para Malibang

Dating sementeryo, naging pasyalan na ng mga tao

MRYOSO - Pang-masa

Alam  n’yo ba  na ang karamihan sa ating mga pinapasya­lang lugar ngayon ay may mga natatago ring nakaraan?
Isa na rito ang sikat na mall daw sa may bandang Alabang na sinasabing dating sementeryo.

Ayon sa kuwento, hindi na raw inalis ng nagpagawa ng mall ang mga bangkay na naroroon at basta na lamang tinayuan ng walang pasabi. Dahilan para maging haunted ang nasabing mall.

Marami na ang narinig at nagpasalin-salin at isa na rito ang kumalat na kuwento ng dalawang magkasintahan na nakaranas ng kakaibang experience sa loob mismo ng sinehan nito.

Pumunta raw sila sa mall para mag-date at napagpasyahan nilang manood ng sine. Una pa lamang daw nilang pumasok doon ay may kakaiba na agad naramdaman ang lalaki. Naghanap daw sila ng mauupuan dahil sobrang puno na ang sinehan.

Napunta sila sa dulong gilid, hindi na raw mapakali ang lalaki lalo pa’t nakita niya ang isang batang babaeng masama ang pagkakatitig sa kanya.

Inaya na niya ang kanyang nobya na lumabas at huwag nang tapusin pa ang pinanonood, pero enjoy na enjoy daw ito at para bang walang napapansing kakaiba.

Napasigaw ang lalaki nang pati ang katabi ng kanyang nobya ay nakatitig din sa kanya. Napagpasyahan na nilang lumabas dahil hindi na nila gusto ang ambiance sa loob.

Agad silang nilapitan ng guard at tinanong kung paano sila nakapasok sa loob gayung sarado ito at walang katao-tao. Nagkatinginan ang dalawa at hindi na muling bumalik pa sa nasabing sinehan.

 

 

PASYALAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with