Misis,tamad na at sugarol pa

Dear Vanezza,

Problema ko ang aking misis na tamad na hindi maaasahan sa mga gawaing bahay maging sa pag-aasikaso ng nag-iisang anak namin. Mas gusto pa niyang magsugal maghapon kasama ang mga kumare niya. Maghapon na ako sa construction site pagdating ko, ang gulo ng bahay at ako pa ang magluluto pati ang paglalaba. Ano ba ang gagawin ko? - Bruno

Dear Bruno,

Kausapin mo si misis at ipaunawa mo sa kanya ang kanyang obligasyon bilang ilaw ng tahanan. Lalo na ang kanyang responsibilidad sa iyo bilang asawa at sa inyong anak. Upang magkaroon ng kaayusan ang inyong tahanan at buhay.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

Show comments