Isang loyal na matandang asawang mister ang araw-araw na dinadalaw ang kanyang misis sa isang nursing home. Ang misis ay mayroong Alzheimer na hindi na kilala ang kanyang mister. Pero araw-araw ay pinupuntahan ni mister si lola na sinasabihan nito ng “I love you!”
Isang araw ay pinatawag sa office ang matandang lalaki at kinausap ng head nurse na impress sa ginagawa ni lolo. Wish ng nurse na maging ganundin sana ang kanyang mister sa pagtanda nila. Gustong iparating ng nurse na bilib sila sa pagiging consistent ni lolo sa pagdalaw sa kanyang asawa. Nag-aalala lamang ang nurse na hindi kilala ni lola ang matandang lalaki. Pumunta man o hindi si lolo sa nursing home ay puwede naman. Kaya pakiusap ng nurse kay lolo na hindi na ito kailangang magpagod at ipaubaya na lang ng matanda ang pag-aalaga sa mga nurse. Tumulo ang luha ng matanda sa kanyang pisngi. Tiningnan ang nurse na kinausap na naiintindihan nito ang sinasabi ng babae. Alam ni lolo na hindi na siya kilala ng kanyang misis. Pero kilala ni lolo ang kanyang misis na sa loob ng 55 years ay hindi pa rin nagbabago ang pangakong sinumpaan nila sa kanilang covenant sa sickness and in health. Mas pinili ni lolo na manatili sa tabi ng kanyang misis kahit hindi na siya nito kilala.
Wish ng nurse na ang love nilang mag-asawa ay mag-mature at mag-grow din kahit sa kanilang katandaan.