Anak Inilalayo sa BI na Barkada

Dear Vanezza,

Hindi pa rin enroll ang 13 years old kong anak na babae. Gusto ng tatay niya ay i-transfer ito sa public school para malayo sa mga barkada. Kung anu-anong pino-post sa Facebook. Maganda ang performance niya sa school, pero may time na hinahatid siya ng mga babae niyang classmates sa bahay. Worry ang mister ko na makasira sa pag-aaral ang bad influence niyang friends. Pero ayaw ng anak kong lumipat ng schools. Baka raw mahirapan siyang mag-adjust. Ano ba ang gagawin ko? – Mama Jen

Dear Mama Jen,

Magkaroon kayo ng family meeting. Timbangin ang lahat ng mga bagay. Turuan ang anak na limitahan ang pagpo-post ng hindi maganda. Kausapin ang mga friends niya. Kung ayaw ng anak na mag-transfer ay puwede itong i-consider. Kahit saang school siya ilipat ay natural na magkaroon siya ng friends. Pero turuan siyang mamili ng pakikisamahan niya.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments