Signs at symptoms ng sakit

Ang mga signs at symptoms ay parehong signal ng injury at sakit na sensyales na mayroong hindi tama sa katawan.

Ang sign ay puwedeng mapansin ng iba o mahal sa buhay, doktor, nurse, o ibang health care professional. Halimbawa, kung may lagnat ay mabilis ang paghi­nga at abnormal na tunog ng baga na naririnig sa stethoscope ay maaaring signs ng pneumonia.

Ang symptom ay signal na nararamdaman ng taong may sakit na maaaring hindi nakikita ng iba. Tulad ng panghihina, may nararamdamang masakit, at kinakapos ng hininga na puwedeng symptoms ng pneumonia.

Ang pagkakaroon ng isang sign o symptom ay hindi sapat upang malaman ang pinanggagalingan ng nararamdaman. Kung may rashes ang anak; puwedeng dahil sa tigdas, infection sa balat, o food allergy. Pero kasama sa ibang signs at symptoms ay mayroong lagnat, masakit na lalamunan, nagtsi-chill na nagkakaroon ng mas pang-unawa ang doktor sa sakit.

Minsan ang ibang pasyente ay mayroong signs at symptoms, pero hindi pa rin nakukuha ng doktor ang sapat na clue ng dahilan ng kanyang sakit.  Saka papasok ang medical test gaya ng x-ray, blood tests, o biopsy kung kailangan.

 

Kapag maagang ma-detect ang cancer, mas mabibigyan agad ito ng tamang treatment na nagiging matagumpay. Kailangan lamang malaman ang symtoms at ibang pagbabago sa katawan.

Minsan nade-develop ang cancer na walang warning, pero mas maraming kaso na nagpapakita ng signs. Importante na maging aware sa hindi maipaliwanag na pagbabago sa katawan. Biglang mayroong dugo sa ihi.

Show comments