Dear Vanezza,
Ginagawa akong tulay ng kakosa ko sa panliligaw niya sa classmate namin na typre ko rin. Masaya ako dahil nakakausap at nakakabiruan ko si crush ko. And the same time ay masakit at may kirot sa puso ko dahil hindi ko masabi sa kanya ang nararamdaman ko. Bilang respeto sa bestfriend ko mula pagkabata. Pero habang napapalapit ko kay crush ay mas nakikila ko siya at nahuhulog ang loob ko. Ano ba ang gagawin ko? Lito
Dear Lito,
Tanggihan mo na ang maging tulay upang hindi ka na masaktan. Upang hindi na rin mahulog ang loob mo kay crush. Marami pang babae diyan na maaaring magpapatibok ng iyong puso. Kaysa ipagpalit o sirain ang pagkakaibigan ninyo dahil lamang sa isang babae.
Sumasainyo,
Vanezza