Sino ang kumuha ng tsinelas ko?

Panaginip: Tatlong beses na akong nananaginip na laging nawawala ang aking tsinelas. Sa ikatlong pa­naginip, pulang tsinelas ang iniwan ko sa kalsada pero pagbalik ko wala na. Pinoproblema ko ang paglalakad dahil maputik ang kalsada at ayokong marumihan ang aking paa. - XXT ‘78

Interpretation: Ang iyong panaginip ay sumisimbolo ng mga bagay na kailangan mong asikasuhin pero isinasantabi mo lang dahil ikaw ay tinatamad o hindi ka komportable na gawin ito. Hindi makausad nang maayos ang buhay mo dahil may “unresolved issues” ka pa na ayaw mong ayusin.

Show comments